^

Probinsiya

10-anyos todas sa nilarong granada

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng kamatayan ng isang 10-anyos na batang lalaki ang napulot nitong granada matapos na sumambulat habang pinaglalaruan kamakalawa ng hapon sa Danao City, Cebu kamakalawa. Halos magutay ang katawan ng biktimang si Albert James Lawas kung saan naisugod pa sa Vicente Sotto Memorial Medical Center subalit namatay din. Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-5 ng hapon habang nangangalakal ng bakal sa likuran ng kanilang tahanan ang biktima nang mapulot nito ang granada. Napag-alamang ibebenta ng bata ang mga bakal at iba pang scrap metal sa junkshop para may pambili ng project nito sa eskuwelahan. Ayon sa pahayag ng ina ng bata na si Marites Lawas, inihagis ng bikitma  ang granadang pinaglalaruan nito nang biglang sumabog kung saan  tumama sa katawan.

vuukle comment

ALBERT JAMES LAWAS

AYON

CAMP CRAME

CEBU

DANAO CITY

MARITES LAWAS

NAPAG

NITO

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with