^

Probinsiya

Bus nagsalpukan: Driver patay, 77 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang driver habang 77 iba pang pasahero ang nasugatan makaraang magbanggaan ang dalawang pampasaherong bus kahapon ng umaga sa Maharlika Highway, Barangay San Agustin sa bayan ng Alaminos, Laguna.

Kinilala ni P/Supt. Gilbert Cruz, Laguna PNP director ang nasawing biktima na si Avelino Uria, driver ng AB Liner.

Isinugod naman sa ospital ang 39 sugatang pasahero, 33 dito ay mula sa AB Liner (TWE-333) at anim naman sa Eagle Star Bus (WLG 721 ) habang ang iba pang sugatan ay pinauwi na matapos lapatan ng first aid.

Nabatid na patungong Lucena City ang AB Liner Bus ni Uria habang patungo naman sa Maynila ang Eagle Star bus ni Radito Calungsod nang maganap ang trahedya.

Lumilitaw na nag-overtake ang van sa Eagle Star kung saan kumabig naman pakaliwa para umiwas pero nakabungguan naman ang paparating na AB Liner Bus.

 Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang driver ng Eagle Star Bus habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

ALAMINOS

AVELINO URIA

BARANGAY SAN AGUSTIN

EAGLE STAR

EAGLE STAR BUS

GILBERT CRUZ

LINER BUS

LUCENA CITY

MAHARLIKA HIGHWAY

RADITO CALUNGSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with