Ambush: Misis tumba, mister grabe
MANILA, Philippines - Napaslang ang isang misis habang kritikal naman ang kanyang mister matapos tambangan ng riding-in-tandem sa kahabaan ng highway sa Barangay Tambler, General Santos City sa South Cotabato kamakalawa.
Kinilala ang napatay na si Junainah, 26, habang nakikipaglaban naman kay kamatayan ang mister na si Abdul Basan Nur, kapwa fish trader.
Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, pasado alas-11 ng tanghali habang pauwi na sa mag-asawa na lulan ng sasakyan mula sa General Santos Fish Port nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen.
Pinaniniwalaang may kinalaman sa negosyo ng mag-asawa ang motibo sa pamamaslang habang patuloy ang imbestigasyon.
- Latest
- Trending