^

Probinsiya

Unibersidad binomba

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umalingawngaw ang ma­lakas na pagsabog sa bisinidad ng isang unibersidad  sa bayan ng Kabacan, Cotabato kamakalawa ng umaga.

Bandang alas-10:23 ng umaga nang sumabog ang bomba sa motor pool ng University of Southern Mindanao (USM) na lumikha ng hukay sa sementadong flooring  ng paradahan kung saan nawasak ang isang Pajero

Wala namang iniulat na nasugatan sa insidente dahil nakabakasyon ang mga kawani, guro at mga estud­yante sa nasabing unibersidad.

Sa inisyal na imbestigasyon, gumamit ang dalawang di-kilalang kalalakihan ng M79 rifle grenade kung saan mabilis na tumakas matapos maitanim ang bomba.

Noong Biyernes ng gabi (Disyembre 23) ay sumabog ang itinanim na improvised explosive device (IED) sa panulukan ng Malvar Street at Aglipay Street sa bayan ng Kabacan kung saan lima-katao ang nasugatan.

Pinaniniwalaan namang kagagawan ng Bangsa Islamic Freedom Movement ang pambobomba sa dalawang nabanggit na lugar.

AGLIPAY STREET

BANDANG

BANGSA ISLAMIC FREEDOM MOVEMENT

COTABATO

DISYEMBRE

KABACAN

MALVAR STREET

NOONG BIYERNES

PINANINIWALAAN

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with