^

Probinsiya

3 pabrika ng paputok ni-raid

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines  – Kalaboso ang tatlong negosyante makaraang salakayin ng pulisya ang tatlong pagawaan ng iligal na paputok sa magkakahiwalay na lugar sa mga bayan ng Sta. Maria at Bocaue sa Bulacan kamakalawa. Pormal naman kinasuhan ni Bulacan PNP director P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. ang mga suspek na sina Victor Pangan, 35, ng Northville 5, Brgy. Batia; Roberto Garcia, 56, ng Brgy.Turo, Bocaue; at si Dennmark Ilagan, 19, ng Brgy. Balasing sa bayan ng Sta. Maria. Base sa ulat, unang ni-raid ng mga tauhan ni P/Supt. Diosdado Iniego ang pagawaan ng iligal na paputok ni Pangan sa Brgy. Bunducan, Bocaue kung saan nakumpiska ang iba’t ibang uri ng paputok. Sinalakay din ang pagawaan ng paputok ni Garcia sa Brgy. Turo at ang pagawaan ni Cruz sa Barangay Balasing sa Bocaue kung saan nasamsam ng mga tauhan ni P/Supt. Raniel Valones ang iba’t ibang uri ng iligal na paputok.

BARANGAY BALASING

BOCAUE

BRGY

BULACAN

DENNMARK ILAGAN

DIOSDADO INIEGO

FERNANDO MENDEZ JR.

RANIEL VALONES

ROBERTO GARCIA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with