^

Probinsiya

Ginang todas sa killer truck

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Malagim ang sinapit na kamatayan  ng isang 31 anyos na ginang matapos na aksidenteng mabangga ng killer truck ang sinasakyan nitong motorsiklo ay makaladkad pa ng ilang dipa sa Brgy. Palanas, Cebu City kamakalawa. Dead-on- the-spot sa insidente ang biktimang si Teresita Pulgo, 31 ng Brgy. Candabong ng lungsod. Bandang alas-3 ng hapon ng habang nakaangkas ang biktima ng Skygo motorcycle (GI 4525) na minamaneho ng kaibigan nitong si Racquel Ambalante sa kahabaan ng  highway  ng mahagip ito ng isang pampasaherong Ceres bus. Halos nabasag ang bungo ng ginang na nagtamo pa ng matitinding sugat sa katawan matapos itong makaladkad pa ng ilang dipa ng naturang bus na agad binawian ng buhay sa insidente. Nabatid na hindi napansin ng biktima habang bumabagtas sa pakurbadang daan ang motorsiklong sinasakyan nito ang paparating na bus (GWY-493) na minamaneho naman ni Danilo Solon ng mangyari ang sakuna na ikinasawi ni Pulgo at ikinasugat naman ni Ambalante. Inaresto naman ng pulisya ang driver ng bus upang panagutin sa krimen.

vuukle comment

AMBALANTE

BANDANG

BRGY

CANDABONG

CEBU CITY

DANILO SOLON

INARESTO

RACQUEL AMBALANTE

TERESITA PULGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with