^

Probinsiya

TRO ng Imus mayor ibinasura

-

MANILA, Philippines - Tuluyang ibinasura ng First Division ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon ni Mayor Homer Saquilayan ng Imus, Cavite hinggil sa isinampa nitong Temporary Restraining Order (TRO) sa court ruling na nag-aalis sa kanya sa puwesto bilang alkalde ng kanilang bayan.

Base sa dalawang pahinang kautusan ng First Division ay ibinabasura ang isinampang TRO ni Saquilayan na pumipigil sa naging kalaban nito na si Emmanuel Maliksi na pumalit sa kaniyang puwesto.

Si Maliksi ay anak ni dating Cavite Governor Erineo “Ayong” Maliksi idineklara siyang nanalo bilang alkalde ng Imus sa nakalipas na 2010 election batay sa naging hatol ni Judge Cesar Mangrobang ng Imus Regional Trial Court (RTC) Branch 22 noong nakalipas na buwan.

Sa ruling ng Imus RTC, si Saquilayan ay mananatili lang sa kanyang puwesto sa loob ng 20 working days o hanggang Disyembre 28.

Sinabi naman ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento na ang tatlong miyembro ng First Division na kanyang pinangunahan ay bumoto ng 2-1 na nagbabasura sa TRO ni Saquilayan.

Idinagdag ni Sarmiento na kung sakali na hindi makakuha ng TRO sa Supreme Court si Saquilayan bago ang Dis­yembre 28 ay makakaupo si Maliksi bilang mayor habang patuloy na dinidinig ng First Division ang naturang kaso.

CAVITE GOVERNOR ERINEO

COMELEC COMMISSIONER RENE SARMIENTO

EMMANUEL MALIKSI

FIRST DIVISION

IMUS REGIONAL TRIAL COURT

JUDGE CESAR MANGROBANG

MALIKSI

MAYOR HOMER SAQUILAYAN

SAQUILAYAN

SI MALIKSI

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with