^

Probinsiya

Obrero todas sa parak

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY ,Philippines  — Na­ging mitsa ng kamatayan ng isang obrero ang pang­hahabol nito ng saksak matapos na barilin ng kapitbahay na pulis na kaibigan ng kinursunada sa Maharlika highway, Brgy. Ibabang Dupay ng lungsod kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktimang si Feliciano Bituin Jr., sa tinamong tama ng bala ng cal. 9 mm at nilalapatan naman ng lunas ang kasamahan nitong si Merenciano Mandigma, pawang residente ng Purok Central sa naturang barangay.

Isinailalim naman sa kustodya ng Lucena City Police Station ang suspek na pulis na si SPO2 Jeffrey Jay Anglo, nakatalaga sa Sariaya Municipal Police Station at residente rin sa lugar.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Aldrin Andres at PO3 Aldin Ranola, dakong alas-8:30 ng gabi ay nakitang  nakikipagtalo si Bituin sa kaibigan ng pulis na si Jonathan de Guzman alyas Odong at maya-maya pa ay hinabol na ito ng saksak.

Nang makita umano ni Anglo na sasaksakin ang kanyang kaibigan ay nag-warning shot ito upang patigilin sa pag-atake si Bituin subalit nagpatuloy ito hanggang sa barilin na ng pulis ng kanyang ser­vice firearm na cal.9 mm at tinamaan din sa braso si Mandigma.

vuukle comment

ALDIN RANOLA

ALDRIN ANDRES

BINAWIAN

BITUIN

FELICIANO BITUIN JR.

IBABANG DUPAY

JEFFREY JAY ANGLO

LUCENA CITY POLICE STATION

MERENCIANO MANDIGMA

PUROK CENTRAL

SARIAYA MUNICIPAL POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with