^

Probinsiya

4 carjacker tumba sa shootout

- Ni Joy Cantos at Mer Layson -

RIZAL, Philippines — Apat na kalalakihan na sinasabing miyembro ng notoryus na carjacking gang kabilang ang isang sinibak na pulis ang iniulat na nakipagbarilan at napatay ng mga operatiba ng pulisya at Highway Patrol Group kahapon ng madaling-araw sa bisinidad ng Blue Mountain Subd., Barangay Sta. Cruz sa Antipolo City, Rizal.

Kinilala ni PNP-HPG director P/Chief Supt. Leo­nardo Espina ang isa sa mga napatay na si Joel Sale Cuenca, napatalsik na pulis.

Bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang makasagupa ng mga awtoridad ang mga armadong kalalakihan sa nasabing lugar.

Lumilitaw na kinarjack ng grupo ang Chevrolet van (XBN -353) nakaparada sa kahabaan ng Ortigas Ave­nue bandang alas-11:40 ng gabi kung saan tinutukan ng baril ang may-ari ng sasakyan.

Napag-alamang ina­bandona ang may-ari ng sasakyan sa masukal na bahagi ng Taytay, Rizal pero agad naman nitong ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente kaya naglatag ng checkpoint.

Bandang alas-2:20 ng madaling-araw nang maispatan ang kinarnap na sasakyan habang bumabagtas sa kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo City.

Tinangkang parahin ng mga awtoridad pero sa halip na sumailalim sa inspeksyon ay agad na pinaputukan ang mga pulis sa checkpoint.

Tinangka pang tumakas ng grupo subalit hinabol ng mga pulis kung saan sumiklab ang putukan sa pagitan ng magkabilang panig.

Bulagta kaagad ang tatlo habang ang isa naman ay namatay sa ospital.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang kinarnap na van, cellular phone, ilang personal na kagamitan, apat na mala­lakas na kalibre ng baril.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BANDANG

BARANGAY STA

BLUE MOUNTAIN SUBD

CHIEF SUPT

HIGHWAY PATROL GROUP

JOEL SALE CUENCA

MARCOS HIGHWAY

ORTIGAS AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with