^

Probinsiya

11-anyos ni-rape slay ng driver

- Nina Tony Sandoval at Joy Cantos -

QUEZON, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit na kapalaran ng isang 11-anyos na dalagita matapos halayin at pinatay pa ng traysikel driver sa liblib na bahagi ng Barangay Kinabuhayan sa bayan ng Dolores, Quezon kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kay Quezon PNP director P/Senior Supt. Erickson Velazquez, bandang alauna y medya ng hapon nang matagpuan ang duguan at hubo’t hubad na katawan ni Carmencita Delgado, estudyante.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Allan Lagar, 24, ng Barangay Sta. Lucia na positibong natukoy sa pamamaslang dahil natagpuan ang kanyang traysikel may ilang metro ang layo sa crime scene.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni P/Senior Inspector Erickson Polinag, huling namataang buhay ang dalagita noong Linggo ng gabi na lulan ng traysikel ng suspek.

Gayon pa man, nabigong makauwi ang dalagita kaya labis na nag-alala ang pamil­ya nito kaya dumulog na sa himpilan ng pulisya.

Kinabukasan ay nadiskubre ang masaklap na sinapit ng biktima matapos abandonahin sa madamong bahagi kung saan basag pa ang bao ng ulo dahil sa binagsakan pa ng malaking tipak ng bato sa mukha at ulo.

Sa isinagawang medico legal at autopsy examination sa bangkay ng biktima, napatunayang positibong hinalay ang dalagita.

vuukle comment

ALLAN LAGAR

BARANGAY KINABUHAYAN

BARANGAY STA

CARMENCITA DELGADO

ERICKSON VELAZQUEZ

GAYON

KINABUKASAN

QUEZON

SENIOR INSPECTOR ERICKSON POLINAG

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with