3 nilamon ng tubig-baha
MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi matapos malunod sa tubig-baha sa pagragasa ng flashflood dulot ng patuloy na buhos ng ulan sa magkakahiwalay na lugar, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council kahapon. Kabilang sa mga nasawi ay sina Renato Moslares, 30; Ismael Montallano, 52, na tinangay ng tubig-baha matapos na umapaw ang ilog sa bayan ng Oras, Eastern Samar. Maging si Isidro Reyes, 41, ay nilamon ng tubig-baha matapos na umapaw ang ilog sa bayan ng Virac, Catanduanes. Samantala, sa Oriental Mindoro ay humupa na ang tubig-baha sa Calapan City, Baco, Bansud, Mansalay, Naujan, Gloria, Puerto Galera, San Teodoro at sa bayan ng Pola kung saan hindi naman madaanan ang Calapan North Road dahil sa landslides.
- Latest
- Trending

















