Top ranking official ng NPA,1 pa tiklo
CATANAUAN, Quezon, Philippines — Isang mataas na opisyal ng rebeldeng New People’s Army at ang security escort nito ay nadakip ng pinagsamang puwersa ng militar at pulisya sa kahabaan ng Sitio Maitim, Barangay Matandang sa bayan ng Sabang Silangan, Quezon noong Biyernes ng hapon.
Ayon sa tagapagsalita ng Army’s regional command na si Lt. Col. Generoso Bolina, nasabat ng 210st Brigade ni Colonel Eduardo Ano at mga tauhan ni P/Supt. Ericson Velasquez ang dalawang rebelde na sina Philip Enteria alyas Jerome/Bruce/Sherwin, 34, ng Brgy. Gaya-Gayaan, Gumaca, Quezon at Jerson Sambola na may alyas na Dondon/CJ, 32, ng Barangay Bayanihan, San Nicolas, Quezon.
Si Philip ay platoon leader ng Amlay (formerly Gerilya Front (GF)-42 at vice commander ng NPA-Komiteng Probinsya ng Quezon habang si Jerson ay grupo ng NPA sa Bondoc Peninsula.
Nadakma ang dalawa na lulan ng motorsiklo sa checkpoint matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad kaya inilunsad ang operasyon ng mga tauhan ng Quezon Police Provincial Safety Company ni P/Chief Inspector Allen Rae Co at mga barangay tanod sa Sitio Daniwdiw Brgy. Cambuga, Mulanay.
Nasamsam sa mga suspek ang dalawang cal. 45 pistol na may mga magazine, 2 granada at ang ninakaw na motorsiklo na pag-aari ni Armando Lumpao.
Ayon sa pulisya, si alyas Jerome ay may dalawang warrant of arrest na inisyu ng Gumaca RegionalTrial Court Branch 61, sa mga kasong murder at frustrated murder.
- Latest
- Trending



















