^

Probinsiya

Cargo vessel lumubog: Tsino lunod, 13 naisalba

- Nina Victor Martin at Raymund Catindig -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang pahinan­teng Tsino ang iniulat na nasawi habang 13 iba pa ang naisalba matapos lumubog ang isang cargo vessel sa karagatang sakop ng Babuyan Island sa Cagayan kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang nasawi na si Lin Guang-Xiao, service crew ng MV Chang-16 at natagpuan sa dalampasigan ng Barangay Punta sa bayan ng Aparri.

Ayon kay Captain Jorge Ursabia, Coast Guard Northern Luzon district com­mander, nailigtas naman ang 13 iba pang sakay ng barko maliban sa isa pang service crew na kasalukuyang pinaghahanap matapos maiulat na nawawala.

Napag-alaman na ang MV Chang-16 ay naghahakot ng kontrobersiyal na black sand na pinaniniwalaang kinuha sa karagatan ng Aparri saka dinadala sa mga pabrika ng bakal sa China.

“The ship was transporting black sand from the Aparri port to China when it was hit by huge waves along the mouth of the Cagayan River,” pahayag ni Ursabia.

Sinasabing overloaded ng black sand ang cargo vessel kaya ito lumubog kung saan sinabayan pa ng malalaking alon at hangin dulot na rin ng masungit na lagay ng panahon.

Ang black sand mining sa Cagayan ang isa sa pinaka-kontrobersiyal na usapin ngayon sa nasa­bing lalawigan dahil sa pag­dagsa ng mga dayuhang barko na nagsasagawa ng pagmimina sa gilid ng karagatan na wala namang kaukulang permiso muna sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

APARRI

AYON

BABUYAN ISLAND

BARANGAY PUNTA

CAGAYAN RIVER

CAPTAIN JORGE URSABIA

COAST GUARD NORTHERN LUZON

ISANG

LIN GUANG-XIAO

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with