^

Probinsiya

Rookie cop todas sa road mishap

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang isang bagitong pulis samantalang dalawa pa nitong kasamahan ang grabeng nasugatan makaraang aksidenteng bumangga ang behikulong sinasakyan ng mga ito sa isang nakaparadang truck sa national highway ng Brgy. Aliguasan III, Ilagan, Isabela kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 2 Director P/Chief Supt. Rodrigo de Gracia ang nasawing biktima na si PO1 Crisanto Sadorra Jr., dead-on-arrival sa Gov. Faustino Dy Memorial Hospital sa nasabing bayan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga kasamahan nitong sina Chief Inspector Roman Ranon at PO1 Paul Ramos; pawang ng Regional Public Safety Battalion (RPSB).

Base sa imbestigasyon, sinabi ni de Gracia, bandang alas-4:30 ng madaling-araw habang lulan ang tatlong pulis ng Mitsubishi Pajero (XFD 598) na minamaneho ni Ranon ng aksidente itong bumangga sa nakaparadang Isuzu forward truck (ZRA -949) sa national highway ng nasabing lugar.

Hindi umano napansin ng driver ang nakabalandrang truck dahilan wala itong ‘warning signal at nagkataong madilim pa sa lugar na nagbunsod sa malagim na sakuna.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing im­bestigasyon ang kasong ito.

vuukle comment

CHIEF INSPECTOR ROMAN RANON

CHIEF SUPT

CRISANTO SADORRA JR.

DIRECTOR P

FAUSTINO DY MEMORIAL HOSPITAL

GRACIA

MITSUBISHI PAJERO

PAUL RAMOS

POLICE REGIONAL OFFICE

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with