Indian trader nilikida
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isa na namang negosyanteng Bumbay ang niratrat at napatay ng riding-in-tandem sa Santiago City, Isabela kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Chander Subhash, 37, ng Barangay Rosario. Base sa police report, naniningil ng pautang si Subhash sa may-ari ng maliit na tindahan sa Barangay Nagassican nang lapitan at pagbabarilin. Naisugod pa sa Cagayan Valley Sanitarium Hospital subalit namatay din dahil sa 11 bala ng baril. Ayon kay P/Supt. Severino Abad, provincial PNP director, ang biktima ay ika-15 Bumbay na napatay sa Region 2 sa loob ng 2-taon.
- Latest
- Trending