Lolo utas, 8 sugatan sa road mishap
MANILA, Philippines - Patay ang isang 77- anyos na lolo habang walong iba pa ang nasugatan matapos bumangga ang pampasaherong jeepney sa punungkahoy na nasa gilid ng highway sa Barangay Buyuan sa bayan ng Tigbauan, Iloilo kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Raymundo Payda habang naisugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Rey Elomba, konduktor ng jeepney; Bernard Dayudao, Genelyn Posing, Divine Villamar, 5-buwang buntis; Jerome Loriaga, Marjoely Embalsado, Marylyn Ermeje, at si Leona Gonzales.
Lumilitaw sa inisyal na ulat ni PO3 Gil Joel Tardaguela na patungo sa bayan ng Igbaras ang dyipni (FVW 419) ni Ronald Celestial mula sa Iloilo City nang mawalan ng control dahil sa pag-iwas sa kasalubong na sasakyan sa highway.
Sinuyod din ang bakod na kawayan ng isa sa mga bahay kung saan nasalpok at namatay ang nasabing matanda habang sugatan ang iba pang pasahero at driver.
- Latest
- Trending