^

Probinsiya

6 katao utas sa butete

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Anim-katao ang iniulat na sinalubong ni kamata­yan matapos malason sa kinaing butete sa liblib na bahagi ng Barangay Bolod sa bayan ng San Pascual, Masbate, ayon sa pulisya kahapon.

Kabilang sa mga na­matay ay sina Catalino Esplana, 60; Vicente Hawili, 18; Eden Ello, 65; Pascual Ello; 77; at ang dalawang tinukoy lamang sa pangalang Sonia, 70; at Mahanitoy, 35.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Heriberto Olitiquit, acting Masbate PNP director, bandang alas-9 ng gabi kamakalawa nang marekober ang naninigas ng bangkay ng mga biktima sa hapag-kainan sa loob ng kanilang bahay.

Lumilitaw na magkakasalo pa sa pananghalian ang mga biktima na iniulam ay ginataang butete.

Gayon pa man, ayon sa report, matapos makapananghalian ay namanhid ang katawan mga biktima, nagsuka, sumakit ang ulo at tiyan  hanggang sa mamatay base sa indikas­yon sa dinatnan ng pulisya na magulo at maruming tahanan ng mga ito ga­yundin sa kondisyon ng bangkay.

Nadiskubre rin na butete ang kinain ng mga biktima dahil sa pinaglinisan ng isda at may konti pang natirang ulam sa kaldero sa kusina.

Ang butete ay ipinagbabawal kainin dahil nagtataglay ito ng lason na nakamamatay.

vuukle comment

BARANGAY BOLOD

CATALINO ESPLANA

EDEN ELLO

GAYON

HERIBERTO OLITIQUIT

MASBATE

PASCUAL ELLO

SAN PASCUAL

SENIOR SUPT

VICENTE HAWILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with