^

Probinsiya

Mister nag-suicide dahil sa selos

- Randy Datu -

TUGUEGARAO CITY, Philippines  — Isang lolo ang nagpakamatay sa pagbigti sa sarili matapos niyang saksakin sa tindi ng selos ang batang-bata niyang asawa sa Barangay Nagbancalan bayan ng Ramon, Isabela kamakalawa.

Batay sa ulat ng Isabela Police Office, nagpakamatay si Rolando Rivera, 70, dahil sa matinding selos at hinala na mayroong kinahuhumalingang ibang lalaki ang asawa nitong si Elvira Rivera, 30, bunsod na rin ng panlalamig nito sa biktima.

Nagkaroon ng matin­ding pagtatalo ang dalawa na nagdulot ng pagdidilim ng paningin ng biktima hanggang sa damputin nito ang kutsilyo at pinagsasaksak si Elvira ng ilang ulit.

Malubhang naisugod sa pagamutan ng mga kasambahay si Elvira habang tuliro namang naiwan ang matandang lalaki.

Nabatid sa ulat na kumuha ng lubid ang biktima at nagkulong sa kanilang silid at doon tinapos ang buhay sa pamamagitan ng pagbigti.

Huli na nang matagpuan ng mga kaanak ang biktima na nakabitin at tila gripong tumutulo ang dugo nito sa leeg sa tindi ng pagkakabigti.

vuukle comment

BARANGAY NAGBANCALAN

BATAY

ELVIRA

ELVIRA RIVERA

HULI

ISABELA

ISABELA POLICE OFFICE

ISANG

MALUBHANG

ROLANDO RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with