Bomba sa pampasaherong bus
MANILA, Philippines - Nabulabog ang mga pasahero matapos na marekober ang bomba sa loob ng pampasaherong bus sa General Santos City, South Cotabato kamakalawa ng hapon. Ayon kay P/Supt. Resty Damaso, spokesman ng Police Regional Office 12 ang bomba na inilagay sa itim na bag ay natagpuan dakong alas-4 ng hapon sa loob ng Husky Bus (LBX-662) na may rutang Cotabato City-General Santos City. Ayon sa opisyal na may nakapunang pasahero sa inabandonang bag na inabandona ng isang pasahero may kalahating kilometro pa lamang bumibiyahe ang bus patungong Tubi, Cotabato. Ang pampasabog ay ginamitan ng 2-rocket propelled grenade, 9 volt battery, may switch at bote na may laman na kulay itim na pulbos na sinasabing nakatakdang sumabog. Agad namang na-detonate ang bomba bago pa man ito sumabog.
- Latest
- Trending