^

Probinsiya

Barko vs bangka: 1 patay, 6 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang isang ma­ngingisda habang anim pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang Super Ferry passenger vessel at kasalubong nitong bangkang pangisda sa Sarangani Bay kahapon ng madaling araw.

 Sa ulat ni Supt. Edgard Cuanan, Regional Chief ng PNP-Maritime Group 12,  kasalukuyang naglalayag ang M/V Super Ferry 20 sa karagatan ng Brgy. Tinoto, Maasim, Sarangani dakong ala-1 ng madaling-araw ng makabanggan ang bangkang pangisdang M/B San Jose Bayanihan.

 Sa lakas ng pagka­kabangga ay tumilapon ang pitong mangingisda sa dagat kung saan isa sa mga ito ang sinawimpalad na masawi sa trahedya habang anim naman ang sugatang nailigtas.

Unang napaulat na nawawala ang mangingisdang si Giovanni Buntong, 60-anyos pero narekober rin ng rescue team ang bangkay nito matapos ang tatlong oras na paghahanap sa Sarangani Bay.

Kinilala naman ang mga nasagip na sugatang ma­ngingisda na sina Joseph Ge­diones, Bryan Enero, Marjun Kirames, Junito Mendoza, Regalado Caceller at Rex Polawing; pawang isinugod na sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Base sa pahayag ng mga survivor kasalukuyan silang nangingisda sa lugar nang biglang banggain ng paparating na Super Ferry 20 ng Aboitiz Transport System na patu­ngong Maynila ang kanilang sinasakyang bangka na grabeng nawasak sa insi­dente.

vuukle comment

ABOITIZ TRANSPORT SYSTEM

B SAN JOSE BAYANIHAN

BRYAN ENERO

EDGARD CUANAN

GIOVANNI BUNTONG

JOSEPH GE

JUNITO MENDOZA

MARITIME GROUP

SARANGANI BAY

SUPER FERRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with