^

Probinsiya

Nursing stude nag-dive mula sa mall

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napilitang magpasalubong kay kamatayan ang isang 22-anyos na Nur­sing student matapos itong tuma­lon mula sa 3rd floor ng Atrium Mall sa Gen. Luna Street, Iloilo City, Iloilo kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Vina Marie del Rosario, 4th year Nursing student sa St. Therese College, ng Bario Obrero, Lapuz sa nasabing lungsod.

Ang biktima ay idineklarang brain dead sa Iloilo St. Paul’s Hospital matapos na mabasag ang bungo sa pagkakalagpak sa semento sa ground floor ng mall.

Sa ulat ng pulisya na na­ka­rating sa Camp Crame, pasado alas-9 ng umaga nang lumundag patalikod ang biktima mula sa 3rd level ng mall kung saan nabigong pigilan ng ilang nakasaksi sa estudyante.

Sa pahayag ng pamilya ng biktima, problemado ang dalaga dahil nabigo itong matapos ang thesis  na isa sa mga rekisitos ng kolehiyong kaniyang pinapasukan upang makapasa at maka-graduate.

Ayon naman sa security guard ng mall na nakatalaga sa exit, nagulantang na lamang siya sa malakas na kalabog at makitang bumagsak sa sahig malapit sa kaniyang kinatatayuan ang biktima.

vuukle comment

ATRIUM MALL

AYON

BARIO OBRERO

CAMP CRAME

ILOILO

ILOILO CITY

ILOILO ST. PAUL

LUNA STREET

ST. THERESE COLLEGE

VINA MARIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with