^

Probinsiya

Tipus outbreak: 2 dedo, 300 nadale

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng dalawang bata habang 300 naman ang naratay sa ospital matapos manalasa ang  epidemya ng tipus sa limang bayan  sa Leyte, ayon sa ulat kahapon.

Base sa ulat ng Office of Civil Defense Region VIII,  nabatid na nagsimula ang tipus outbreak sa loob ng dalawang linggo sa mga bayan ng Carigara, Capoocan, Jaro, Tunga at bayan ng Barugo.

Ang sakit na tipus ay mula sa kontaminadong tubig na nagdala ng bacterium Salmonella typhi na pinaniniwalaang pinagmulan ng outbreak.

Samantala, naalarma naman ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan dahil umaabot na sa 300-katao ang tinamaan ng tipus.

Inaasahan namang maila­labas na ang resulta ng laboratory  test sa water sample ng Carigara Metro­politan Water District na pinaghihinalaang sanhi ng outbreak.

Kaugnay nito, pinayuhan naman nga mga awtoridad ang mga residente na pakuluang mabuti ang inuming tubig upang makaiwas sa tipus at iba pang uri ng sakit.

BARUGO

CAPOOCAN

CARIGARA

CARIGARA METRO

INAASAHAN

JARO

KAUGNAY

LEYTE

OFFICE OF CIVIL DEFENSE REGION

WATER DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with