3 kompanya hinoldap
BULACAN ,Philippines — Dalawang sangay ng remittance center at isang money lending company ang iniulat na pinasok ng mga holdaper sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan kahapon. Kabilang sa mga establisamento na pinasok ng mga holdaper ay ang dalawang LBC remittance center sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte City at sa Barangay Poblacion sa Sta. Maria at maging ang Fundline Finance Corp. sa Brgy. Tuktukan sa Guiguinto. Ayon sa report, nalimas sa dalawang remittance center ang P51,000 cash habang P50,000 naman sa nasabing money lending company.
- Latest
- Trending