^

Probinsiya

Medical mission inambus: Tinyente utas

- Nina Joy Cantos at Ed Casulla -

MANILA, Philippines - Napatay ang isang tin­yente habang malubha naman ang isang sundalo makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s­ Army ang medical mission team ng tropa ng Philippine Army sa hangganan ng Barangay San Vicente Grande at Barangay Nabasan sa bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga.

Kinilala  ni Army’s 9th Infantry Division spokesman Major Angelo Guzman ang nasawing batang opisyal na si 2nd Lt. George Tiago habang sinugod naman sa ospital sa Legaspi City si Pfc Genesis Broso.

Ayon kay Guzman, dakong alas-9:20 ng umaga habang lulan ng military truck ang 10-man team ng tropa ni Lt. Col. Audrey Pasia ng 2nd Infantry Battalion kasama ang grupong sibilyang si Dr. Ramon Martin Velasco na magsasagawa ng medical mission sa Brgy. Nabasan nang tambangan.

Ayon kay Col. Arthur Ang, commander ng 901st Infantry Brigade, ang medical mission ay hiniling ng mga opisyal ng barangay sa Phil. Army dahil sa marami na ang nagkakasakit kaya naman pinaunlakan ng Phil. Army katuwang ang mga doktor.

Tumagal ng 20-minuto ang bakbakan habang hindi­ naman tinamaan sa palitan ng putok ang sibilyang doktor na ka­sama ng tropa ng militar.

“It seems that the NPA rebs are not choosing their targets anymore, these are humanitarian missions and some of the bene­ficiaries might be their families and relatives,” pahayag ni Major General Josue Gaverza ng Army’s 9th Infantry­ Division.

ARTHUR ANG

AUDREY PASIA

AYON

BARANGAY NABASAN

BARANGAY SAN VICENTE GRANDE

DR. RAMON MARTIN VELASCO

GEORGE TIAGO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with