^

Probinsiya

Preso nang-hostage

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahilan sa matinding pangungulila sa kaniyang pamil­ya, hinostage ng isang preso ang apat nitong kasamahan sa loob ng Pampanga Provincial Jail sa 13 oras na hostage drama sa San Fernando City kahapon.

Ayon kay Pampanga Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Edgardo Tinio, dakong ala-1 ng madaling araw ng ihostage ng inmate na si Wilfredo Lorilla alyas Toto gamit ang isang patalim ang kaniyang mga kasamahang preso.

“Walang dumadalaw na pamilya, mentally disturb siya kaya nang-hostage,” ani Tinio base sa imbestigasyon ng pulisya. Kabilang sa mga hinostage na preso ay si Bernard Narciso, ang sinaksak na si Jonathan Miranda at dalawang iba pa.

Ayon naman kay PNP Spokesman Chief Supt. Agri­mero Cruz Jr., agad na pumalibot sa nasabing piitan ang Special Weapons and Tactics Team upang umasiste sa provincial warden sa negosasyon kung saan ang demand ng suspek ay dalawin siya ng kaniyang pamilya.

Samantalang matapos namang mapahinuhod ang suspek na paparating na ang pamilya nito ay sumurender ito dakong alas-2 ng hapon kay Tinio at sa Provincial Warden. Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal sa naturang preso.

vuukle comment

AYON

BERNARD NARCISO

CRUZ JR.

EDGARDO TINIO

JONATHAN MIRANDA

PAMPANGA PROVINCIAL JAIL

PAMPANGA PROVINCIAL POLICE OFFICE

PROVINCIAL WARDEN

SAN FERNANDO CITY

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with