^

Probinsiya

Holdap: Negosyanteng misis todas, mister grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napatay ang isang negosyanteng misis habang nasa kritikal namang kon­disyon ang mister nito matapos na pagbabarilin nang pumalag sa dalawang holdaper sa Butuan City, Agusan del Norte noong Biyernes ng gabi.

Base sa ulat ni Caraga PNP spokesman P/Se­nior Supt. Martin Gamba, idineklarang patay sa MJ Santos Hospital si Margie Cator, 46, habang isinasalba naman ang buhay ng kanyang mister na si Lucio Cator, 45, kapwa nakatira sa Emilia Compound sa Barangay 23, Holy Redeemer sa nasa­bing lungsod.

Sa imbestigasyon, dakong alas-7 ng gabi ng maganap ang insidente sa harapan ng tahanan ng mag-asawa.

Lumilitaw na tinyempuhan ang mag-asawa na papasok sa kanilang gate ng kanilang tahanan nang lapitan at holdapin ng motorcycle-riding gunmen.

Gayon pa man, nanlaban ang misis na tumangging ibigay ang dala nitong bag na naglalaman ng malaking halaga kung saan ay hinablot pa nito ang bonnet ng isa sa holdaper.

Dahil dito ay nairita at pinagbabaril ang mag-asawa saka mabilis na tumakas.

vuukle comment

AGUSAN

BIYERNES

BUTUAN CITY

CARAGA

EMILIA COMPOUND

HOLY REDEEMER

LUCIO CATOR

MARGIE CATOR

MARTIN GAMBA

SANTOS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with