Truck vs bike: 3 katao todas
MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa tatlong sibilyan makaraang salpukin ng truck ang kanilang motorsiko sa kahabaan ng national highway ng Crossing sa bayan ng Sulop, Davao del Sur kahapon ng umaga. Kabilang sa mga nasawi ay ang drayber ng motorsiklo na si Marc Leo Tecson, mga backriders na sina Jomar Nacion at Diomedez Alfeche. Sa police report, naganap ang sakuna bandang alas -10:05 ng umaga kung saan iniwan na lamang ang mga biktima ng truck na hindi nakuha ang numero ng plaka. Sa tindi ng tinamong sugat ng mga biktima ay hindi na umabot ng buhay sa ospital.
- Latest
- Trending



















