^

Probinsiya

7 Abu/MILF, 4 Army bulagta sa bakbakan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa pitong mi­yembro ng nagsanib pu­wersang Abu Sayyaf Group/ Moro Islamic Liberation Front renegade at apat na sundalo ng Philippine Army ang iniulat na napaslang sa naganap na anim na oras na bakbakan sa liblib na bahagi ng Barangay Cambug, Al Barkha sa Basilan kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Col. Alexander Macario, commander ng Special Task Force Basilan, bandang alas-6 ng umaga nang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng 13th Special Forces Company, 4th Special Forces Battalion at mga trainee ng Military Scuba Diver Course laban sa mga bandidong Abu Sayyaf at MILF rebs.

Ang mga teroristang grupo ay pinamumunuan nina MILF renegade Commander Hajji Laksaw at Dan Asnawi habang ang Abu Sayyaf ay sa ilalim naman ni Nurhassan Jamiri.

Sa report na tinanggap ni Army Chief Lt. Gen. Arthur Ortiz, apat ang nasawi sa tropa ng militar na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan dahil kaila­ngan pang impormahan ang kani-kanilang pamilya.

Samantala, pito naman sa panig ng Sayyaf at MILF ang napatay matapos na abandonahin ng mga kasamahang bandido.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng militar laban sa grupo ng Abu Sayyaf at MILF.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AL BARKHA

ALEXANDER MACARIO

ARMY CHIEF LT

ARTHUR ORTIZ

BARANGAY CAMBUG

COMMANDER HAJJI LAKSAW

DAN ASNAWI

MILITARY SCUBA DIVER COURSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with