^

Probinsiya

Sabungan, hotel binomba: 11 sugatan

- Ricky ­Tulipat, Roel Pareño -

ZAMBOANGA CITY, Philippines – Aabot sa 11-katao ang iniulat na nasugatan sa naganap na magkasunod na pagsabog sa bahagi ng dalawang barangay sa Zamboanga City kahapon.

Ayon sa ulat ni Col. Buenaventura Pascual, hepe ng Task Force Zamboanga, unang pinasabog ang sabungan sa Barangay San Roque bandang alas-12:25 ng tanghali at sumunod ang dalawang palapag na Red Palm Pension House malapit sa terminal sa Barangay Guiwan dakong alas-12:30 ng tanghali.

Kabilang sa mga sugatan ay ang anim na dumayong boksingero na na­ka-check-in sa nasabing pension house at nakatakdang lumaban ngayon sa pagsimula ng kapistahan sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga sugatan sa pension house na sina Jimboy Bantisel, Marvin Artes, kapwa taga-Maranding, Lanao del Norte; Gerome Tuyor ng Dipolog City, Zamboanga del Norte; Jeffrey Jimenez ng Aurora Zamboanga del Sur; Ronnie Munding ng Lanao del Norte at si Christopher delos Reyes.

Sugatan sa pinasabog na sabungan sa Barangay San Roque ay sina Ricky Gaganacruz, Marlon Candido, Crisaldo dela Peña, Ike Castiri, at si Eddiron Sandoval.

Lumilitaw na itinanim ang bomba sa upper bleacher ng sabungan habang ang bomba na sumagot sa pension house ay itinago sa room 2B kung saan nadamay ang maliit na karinderya sa labas ng hotel.

Hindi naman matiyak ni Mayor Celso Lobregat kung ang magkasunod na pagsabog ay upang isabotahe ang pagdaraos ng kapistahan.

AURORA ZAMBOANGA

BARANGAY GUIWAN

BARANGAY SAN ROQUE

BUENAVENTURA PASCUAL

DIPOLOG CITY

EDDIRON SANDOVAL

GEROME TUYOR

IKE CASTIRI

JEFFREY JIMENEZ

NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with