^

Probinsiya

Nene pisak sa behikulo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napisak ang katawan ng isang 4-anyos na batang babae matapos itong magulungan ng isang rumaragasang behikulo sa national highway ng Brgy. Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Renamae Pagulayan, residente ng Brgy. Tere­sita sa bayang nabanggit, idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director P/Chief Supt. Leo­nardo Espina, naganap ang sakuna sa nasabing highway bandang alas-4:15 ng hapon.

Kasalukuyang naglalaro ang bata sa lugar nang bigla itong tumawid sa kalsada kung saan ay aksidente itong nasagasaan ng humahagibis na Mitsubishi Chariot (RGF-623 ) na minamaneho ni Vitto Serdena, 43- anyos ng Sto. Niño Subdivision , Pinamalayan ng lalawigang ito kung saan nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima.

Boluntaryo namang sumuko ang driver ng behikulo na ngayo’y nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

BOLUNTARYO

BRGY

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

ESPINA

HIGHWAY PATROL GROUP

MITSUBISHI CHARIOT

ORIENTAL MINDORO

RENAMAE PAGULAYAN

VITTO SERDENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with