8-anyos totoy binoga ng kuya
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 8-anyos na totoy matapos pagbabarilin ng kanyang kuya sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Natasan sa bayan ng Libo, Albay kahapon ng umaga. Nasa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang itinago sa pangalang James, Grade 2 pupil sa Natasan Elementary School habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Rey Rapirap, 22. Batay sa ulat ng pulisya, nagkasagutan ang mag-utol kaya inawat ng kanilang ama kung saan napikon naman ang suspek. Dito kumuha ng baril ang suspek saka binoga ng tatlong beses sa likurang bahagi ng kanyang utol habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest
- Trending