^

Probinsiya

Abu sub-leader tumba sa encounter

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bumulagta ang isa sa sub-leader ng mga bandidong Abu Sayyaf Group matapos makasagupa ang tropa ng militar sa Sacol Island, Zamboanga City  kamakalawa  ng gabi. Ayon kay Army Chief Lt. Gen. Arthur Ortiz, bandang alas-7:15 ng gabi nang magpang-abot ang mga tauhan ng Task Force Zamboanga ni Col. Buenaventura Pascual sa liblib na bahagi ng Barangay Busay. Kasalukuyang nagsasagawa ng ambush at combat patrol ang tropa ng 14th Division Reconnaissance Company at ang Charlie Company ng 18th Infantry Battalion nang makasagupa ang grupo ng Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Imram Asgari. Tumagal ng 20-minuto ang bakbakan bago napatay si Asgari habang wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng militar. Narekober sa encounter site ang isang bandoleer, 4-maikling magazine ng M16 Armalite Rifle at mga bala.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMALITE RIFLE

ARMY CHIEF LT

ARTHUR ORTIZ

BARANGAY BUSAY

CHARLIE COMPANY

DIVISION RECONNAISSANCE COMPANY

IMRAM ASGARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with