^

Probinsiya

Misis ibinaon sa kampo ng militar

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 37-anyos na misis matapos basagin ang bungo sa bugbog ay ini­libing pa sa loob ng kampo ng militar ng sundalo nitong mister na kamag-anak ng maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan sa bayan ng Carmen, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni North Cotabato PNP Director Senior Supt. Cornelio Salinas, bandang alauna y medya ng hapon noong Miyerkules nang ma­­hukay ang bangkay ni Bernadette Tejing Ampa­tuan sa loob ng quarters ng mag-asawa sa himpilan ng Alpha Company ng Army’s 524 Engineering Brigade sa Barangay Nasapian.

Arestado naman ang sus­pek na si Pfc. Mariano Am­patuan, kamag-anak ng maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan na sangkot sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2008.

Lumilitaw na ipina-police blotter ng suspek ang pagkawala ng kanyang misis noon pang Setyembre 17 matapos mabigong umuwi.

Sa isinagawang post mortem examination sa biktima, lumilitaw na basag ang bao ng ulo nito, tadtad ng malalalim na pasa sa ka­tawan matapos na bugbugin ng suspek.

Napag-alamang nagduda ang mga kamag-anak ng biktima sa kakaibang ikinikilos ng suspek simula nang hanapin nila ang kanyang misis kung saan noong nabubuhay pa ay hindi na maganda ang kanilang relasyon.

Agad namang nagtungo sa quarters ng mag-asawa ang pinagsanib na elemento ng pulisya at ng Bravo Company ng Army’s 7th Infantry Battalion kung saan nahukay ang bangkay ng biktima.

vuukle comment

ALPHA COMPANY

AMPATUAN

BARANGAY NASAPIAN

BERNADETTE TEJING AMPA

BRAVO COMPANY

CORNELIO SALINAS

DIRECTOR SENIOR SUPT

ENGINEERING BRIGADE

INFANTRY BATTALION

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with