^

Probinsiya

Mag-ama nangisay sa kuryente, dedo

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-ama makaraang makuryente habang naglalakad papauwi kamakalawa ng gabi sa Barangay Cotmon sa bayan ng Camalig, Albay.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mag-amang Jose Nuada Sr., 54; at Jose Nua­da Jr., 15, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Batay sa police report, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi habang ang mag-ama ay magkasamang naglalakad papauwi nang biglang bumagsak ang linya ng kur­yente sa katawan ng batang Nuada.

Kasunod nito, kaagad namang sumaklolo ang ama para iligtas ang kanyang anak kung saan ti­naga ang kable ng kuryente sa pag-aakalang walang dumalaloy na boltahe.

Dito na nangisay ang batang Nuada at sinundan naman ng kanyang ama na magkasunod na bumulagta sa kalsada.

Nang mamataan ng ilang residente ang naganap sa mag-ama ay mabilis na sumaklolo subalit kapwa hindi na umabot pa ng buhay sa nasabing ospital.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang naganap na insidente sa mag-ama.

vuukle comment

ALBAY

AMA

BARANGAY COTMON

BATAY

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

DITO

JOSE NUA

JOSE NUADA SR.

LEGAZPI CITY

NUADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with