9 na wanted arestado
KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City, Philippines — Siyam na katao na pawang pinaghahanap ng batas dahil sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan ang naaresto ng pulisya sa dalawang araw na operasyon kaugnay sa pinaigting na kampanya na “Wanted ka Huli ka".
Kinilala ni Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez Jr. ang mga suspek na sina Jovito Vivas 50, may kasong frustrated homicide, ng Francisco homes, Brgy. Guijo, San Jose Del Monte City; Roel Germar 29, Ryan De Leon 30; Gerardo Germar 50, na pawang nahaharap sa kasong robbery at ng Mag-asawang Sapa, sa bayan ng Sta. Maria; Roy Mindina 34, may kasong attempted homicide, residente ng Brgy. Sagrada Familia sa bayan ng Hagonoy, Ericson Maloreto 22, may kasong droga, residente ng Carmen Subd., Brgy. Bambang sa bayan ng Bocaue, Joey Cruz 37, may kasong theft, ng Brgy. Pasong Callos sa bayan ng San Rafael; Ogie Loyola 44, may kasong Resistance to an agent in a person in authority, ng Brgy. San Francisco, sa bayan ng Bulakan at Jovita Hipolito para sa kasong physical injuries at residente ng Brgy. Calantipay sa bayan ng Baliwag.
Ang naturang pag-aresto sa mga suspek ay bunsod ng mga ipinalabas na warrant of arrest nina Hon. Judge Danilo Manalastas ng RTC Br. 7, Hon. Veronica Vicente-De Guzman ng RTC Br. 9, Hon. Manuel DJ Siyangco ng RTC Br. 6 pawang sa Malolos City, Hon. Judge Marie Picardal ng MTC Br. Hagonoy, Hon. Judge Segusmundo Nicolas ng MTC Br. San Rafael, Hon.Judge Ester Chua ng MTC Br. Bulakan, at Hon. Judge Corazon Domingo-Rañola ng MTC Br. Baliwag.
Kasalukuyang nakadetine sa iba’t ibang piitan ang mga suspek at nakahanda ng umpisahan ang paglilitis sa mga kasong kinasasangkutan ng mga ito.
- Latest
- Trending