^

Probinsiya

2 killer ng brodkaster, tukoy na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Natukoy na ng mga awtoridad ang dalawang assassin ng brodkaster na si Niel “Lito” Jimena na napaslang matapos pagbabarilin sa bayan ng EB Magalona, Negros  Occidental noong Agosto 22.

Inihayag ni P/Senior Supt. Allan Guisihan, director ng Negros Occidental Police Office, bagaman natukoy na ang pagkakakilanlan ay pansamantala munang hindi isinapubliko ang pangalan ng mga ito kaugnay ng pagsasampa ng kasong murder.

Sinabi ni Guisihan na ang mga suspek ay posi­tibong itinuro ng testigo na nakatulong ng malaki sa ikareresolba ng pamamaslang kay Jimena.

Si Jimena na may iba’t ibang radio program sa Iloilo ay dating brodkaster sa DYRP sa Iloilo City at DYAG sa Cadiz  City, Negros Occidental at contributor din sa Dyaryo Iloilo.

Una nang nag-alok ng P.6 milyong reward ang tatlong malalaking orga­nisasyon ng media para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaresto ng mga suspek.

Ayon sa opisyal, kabilang sa lumutang na anggulo na iniimbestigahan ng Task Group Jimena ay may kinalaman sa trabaho ng biktima bilang media practitioner at bilang dating confidential agent ng Philippine Drug Enforcement Agency.

ALLAN GUISIHAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DYARYO ILOILO

ILOILO CITY

JIMENA

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL POLICE OFFICE

SENIOR SUPT

SI JIMENA

TASK GROUP JIMENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with