^

Probinsiya

Driver ng konsehal naghuramentado

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang isang 4-anyos na bata ang iniulat na nasugatan matapos na mamaril ang naghuramentadong lalaki sa Zamboanga City noong Biyernes ng gabi. Kabilang sa mga sugatan ay ang mag-utol na Roderick Cuartocruz at Marlon Cuartocrux, at ang apat na taong gulang na pamangking lalaki na hindi natukoy ang pagkakakilanlan.

Arestado naman ang suspek na si Roque Cadiz, driver ni Zamboanga City Councilor Jimmy Cabato.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-7 ng gabi nang sumulpot sa tahanan ng mga Cuartocruz ang suspek sa Brgy. Jose Guzu at hinahanap ang lalaking sumaksak sa kaniyang kapatid.

Naghihinala ang suspek na isa sa miyembro ng pamilya Cuartocruz ang nasa likod ng pagkamatay ng kaniyang nasaksak na kapatid.

Kasalukuyan namang nasa bisinidad ng nasa­bing lugar ang ilang pulis na narinig ang mga putok ng baril kaya mabilis na nagresponde at nasakote ang suspek.

vuukle comment

ARESTADO

BIYERNES

CAMP CRAME

CUARTOCRUZ

JOSE GUZU

MARLON CUARTOCRUX

RODERICK CUARTOCRUZ

ROQUE CADIZ

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY COUNCILOR JIMMY CABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with