^

Probinsiya

Mister itinumba sa harap ng misis, anak

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Binaril at napatay sa harapan ng kaniyang misis at anak ang isang mister ng hindi pa nakilalang nag-iisang armadong salarin  sa bayan ng Mexico, Pampa­nga kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Nicasio de Guzman, 39-anyos, residente ng Purok 6, San Jose Malino sa bayang ito.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-6:45 ng gabi ng bigla na lamang pumasok ang salarin sa pintuan ng bahay ni de Guzman sa nasabing lugar.

Ayon sa misis nitong si Ria, hinahanap umano ng gunman ang isang lalaking nagngangalang Marco at sa kabila ng sinabi niyang wala siyang kilalang Marco ay tuluy-tuloy itong pumasok sa loob ng bahay.

Nang lumabas ang kaniyang mister ay agad itong pinagbabaril ng gunman sa leeg at dibdib sa kabi­la ng pagmamakaawa ng umiiyak na si Ria at ng anak nitong lalaking si Jomari.

Matapos masigurong napatay ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek na sumakay sa motorsiklo.

Pinaniniwalaan naman ng pulisya na isang kaso ng 'mistaken identity' ang pagkakapatay sa nasa­bing biktima habang patuloy ang kanilang pagsisiyasat.

vuukle comment

AYON

BINARIL

CAMP CRAME

GUZMAN

JOMARI

KINILALA

MATAPOS

NANG

NICASIO

SAN JOSE MALINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with