Cafgu todas sa ika-3 suicide
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Pinaniniwalaang 'di-makayanang problemang pampamilya kaya nagdesisyong magbigti ang isang 21-anyos na Cafgu trainee sa loob ng bahay sa Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Irosin, Sorsogon kamakalawa. Bandang alas-5 ng umaga nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Ronnie Fuensalida. Nagawa pang dalhin sa Irosin District Hospital, subalit wala na itong buhay. Ayon sa mga malapit na kaanak na ilang ulit na rin na nagtangkang magpakamatay ng biktima matapos itong uminom ng lason, subalit naagapan naman at sa ikatlong pagkakataon ay nakasalubong na si kamatayan.
- Latest
- Trending