^

Probinsiya

18 bahay, 3 paaralan winasak ng buhawi

- Angie dela Cruz, Joy Cantos, Artemio Dumlao -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 18-kabahayan at tatlong gusali ng eskuwelahan ang iniulat na nawasak sa magkakahiwalay na paghagupit ng buhawi sa mga bayan ng Culaba sa Biliran at Sarrat sa Ilocos Norte sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Mina, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng National Di­saster Risk Reduction and Management Council, sa kabila ng hindi apektado ng bagyong Mina ang lalawigan ng Biliran ay sinalanta ito ng buhawi bandang alas-5 ng hapon kamakalawa.

Kasunod nito, nawasak din ang tatlong gusali sa Culaba Central School na nabunot sa kinatatayuan at natanggal pa ang bubong kung saan aabot sa P.8 milyong halaga ng ari-arian ang pinsala.

Samantala, nasa 18- kabahayan naman ang nawalan ng mga bubu­ngan matapos na hagupitin ng tornado ang bahagi ng Barangay San Isidro sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte.

Bukod dito ay ilan ring kabahayan sa bayan ng Marcos sa Ilocos Norte ang nagtamo ng pinsala matapos mabagsakan ng malalaking punong kahoy na ibinuwal ni Mina kahapon.

Gayon pa man, patuloy na mararaanan ang mga kalsada patungo at palabas ng Ilocos Norte kahit na malakas ang ulan.

Samantala, wala namang iniulat na pagragasa ng tubig-baha sa mga barangay sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte na pinaniniwalaang sa mga nakalipas na taon ay pinalubog ng tubig-baha.

BILIRAN

BUKOD

CULABA

CULABA CENTRAL SCHOOL

ILOCOS NORTE

NATIONAL DI

RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

SAMANTALA

SAN ISIDR

SARRAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with