^

Probinsiya

Hepe ipinasubo ang ari

- Ni Boy Cruz -

MARILAO, Bulacan, Philippines  — Muli na namang nalagay sa panibagong kontro­bersya ang pamunuan ng pulisya makaraang pormal na ireklamo ng isang babaeng detainee kahapon ang hepe ng bayang ito da­hilan umano sa pu­wersahan nitong pagpapasubo ng ari sa kaniya sa loob ng tanggapan ng opisyal.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Babet, 22 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Lolomboy sa bayan ng Bocaue at pamangkin ng isa pang opisyal ng PNP habang agad ding ipinag-utos ni Bulacan Provincial Director P/SSupt.Fernando Mendez Jr. ang pagsibak sa tungkulin ni P/Supt. Cesar Tannagan.

Base sa sinumpaang salaysay ng biktima dakong alas-2 ng madaling-araw, nagtungo sila ng kaniyang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kaarawan ng isa sa mga ito sa Nuevo Sitio Bar and Restaurant sa Brgy. Abangan Norte dito pero nagkaroon ng rambulan kaya inaresto sila ng mga pulis pero ipinagtaka niya kung bakit siya lang ang dinala sa loob ng presinto.

Ilang sandali pa ay ikinulong ang biktima sa selda habang ang dalawa niyang kasamahan ay pinaghintay lamang sa labas kung saan ay iniutos umano ni Tannagan na dalhin ang ginang sa kuwarto ng opisyal sa kaniyang opisina. Nagkasa umano ng cal. 45 pistol si Tanna­gan saka puwer­sahang ipinasubo ang kaniyang ari sa umiiyak na gi­nang. Ipinagharap na ng kasong administratibo at kriminal ang opisyal.

ABANGAN NORTE

BABET

BOCAUE

BRGY

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL DIRECTOR P

CESAR TANNAGAN

FERNANDO MENDEZ JR.

ILANG

NUEVO SITIO BAR AND RESTAURANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with