2 negosyante dinukot ng Sayyaf
MANILA, Philippines - Dalawang negosyante ng ukay-ukay ang sinasabing dinukot ng mga teroristang Abu Sayyaf malapit sa Latin Elementary School sa Barangay Latin sa bayan ng Patikul, Sulu bago magtakipsilim kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang panibagong bihag na sina Ambon Blas, 60; at Perlita Bagay, 25.
Nabatid na katatapos lamang ng dalawa na maglako ng ukay-ukay sa Philippine Marine detachment sa Brgy. Patong Patong Danag lulan ng motorsiklo nang harangin ng Sayyaf na may 7-kilometro ang layo sa kapitolyo ng Jolo.
Sa inisyal na imbestigasyon, natukoy na isang Roger Gapas na nasa ilalim ni Abu Sayyaf Sub Commander Basarun Arok ang nasa likod ng pagdukot sa dalawa.
Nabatid na ang pagdukot ay bahagi ng test mission ng tinaguriang Virgin Boys bilang mga bagong kasapi ng nasabing grupo.
- Latest
- Trending