^

Probinsiya

Misis tinodas ng selosong mister

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding selos at panibugho, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 44-anyos na nanay ng sariling mister sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Punta Princesa, Cebu City, Cebu kamakalawa.

Nagkabutas-butas ang katawan ni Lalaine Traya habang nasakote naman ang suspek na si Luciano Traya, driver ng Juscar Taxi na sinasabing papatakas na sa crime scene nang maispatan ng pulisya.

Isinugod sa ospital ang suspek matapos masugatan sa noo nang piliting agawin ng kaniyang misis ang patalim na ginamit sa pamamaslang.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-12 ng tanghali ay nakipag-inuman pa ang suspek sa kaniyang panganay na anak na si Luciano III kung saan ay sinabi nito na sa kabila ng 30-taon na silang kasal ay may problema silang mag-asawa at may mangyayari sa kaniyang misis.

Matapos ang ilang tagay ng alak ay iniwan na ng matandang Luciano ang anak at tuluy-tuloy na pumasok sa kanilang bahay at nang matiyempuhan ang kaniyang misis ay agad itong pinagsasaksak.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na nagseselos ang suspek sa isang barangay tanod na pinaniniwalaang nitong kabit ng kaniyang misis kaya naganap ang pamamaslang.

vuukle comment

BARANGAY PUNTA PRINCESA

BATAY

CAMP CRAME

CEBU

CEBU CITY

DAHIL

JUSCAR TAXI

LALAINE TRAYA

LUCIANO

LUCIANO TRAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with