^

Probinsiya

14-anyos nabaril ng pulis dahil sa pusa

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa alitan sa alagang pusa, isang 14-anyos na lalaki ang nasugatan makaraang mabaril ng bagitong pulis na nakipagsuntukan sa kaniyang kapitbahay sa Sitio Zone Tangkong, Barangay Paknaan, Mandaue City, Cebu kamakalawa.

Inoobserbahan sa Man­daue City Hospital  ang naba­ril sa likod na si Kevin Jay Tuña­cao habang sumuko naman sa kanyang kabaro ang suspek na si PO1 Carlito Donque, 28, nakatalaga sa Philippine Center for Aviation Security Central Visayas.

Sa police report na nakara­ting sa Camp Crame, naki­pagsuntukan si PO1 Donque sa kaniyang kapitbahay na si Balbino dela Cruz matapos na makipagtalo dahil sa pag-spray ng pamatay ng insekto sa kaniyang alagang pusa.

Gayon pa man inawat ang dalawa ng ama ng huli kung saan umuwi muna si PO1 Donque saka iniumang ang baril sa kalaban na sinasabing tinatakot lamang nito.

Sa bersyon ni PO1 Don­que, nagalit at ipinagtanggol lamang niya ang sarili laban kay Balbino matapos unahang suntukin nito sa mukha.

Nagpaputok pa ng warning shot si PO1 Donque pero sa kamalasan ay sa likod ng biktima tumama ang bala na may 15-metro lamang ang layo sa dalawang nag-aaway.

Nahaharap naman sa kasong administratibo at kriminal ang bagitong pulis.

AVIATION SECURITY CENTRAL VISAYAS

BALBINO

BARANGAY PAKNAAN

CAMP CRAME

CARLITO DONQUE

CITY HOSPITAL

DONQUE

KEVIN JAY TU

MANDAUE CITY

PHILIPPINE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with