^

Probinsiya

Snatcher todas sa shootout

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines – Isa sa tatlong suspek sa cell phone snatching ang iniulat na napatay habang nakatakas naman ang dalawang iba pa matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon noong Sabado ng madaling-araw.

Bineberipika ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang pagkakakilanlan ng napatay habang tugis naman ng mga tauhan ni P/ Supt.Ramon Balauag ang dalawang suspek.

Sa ulat nina SPO2 Paul Pelaez at PO2 Miljun Magadia, dakong alas-10 ng gabi nang lapitan at agawan ng cell phone ang magpinsang sina Ferdinand Gutierrez at Michael Andrew Gutierrez habang sila ay nakatayo sa tapat ng Silangang Mayao Elemantary School.

Kaagad naman inilatag ang operasyon kung saan namataan ang tatlong suspek na lulan ng traysikel hanggang sa magkahabulan na nauwi sa shootout sa bahagi ng Maharlika Highway sa nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, ang tatlo ay responsable sa serye ng holdapan sa Lucena City na ang binibiktima ay mga estudyante.

BARANGAY IBABANG DUPAY

FERDINAND GUTIERREZ

LUCENA CITY

MAHARLIKA HIGHWAY

MICHAEL ANDREW GUTIERREZ

MILJUN MAGADIA

PAUL PELAEZ

RAMON BALAUAG

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

SILANGANG MAYAO ELEMANTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with