Parak huli sa buy-bust operation
MANILA, Philippines - Bumagsak sa batas ang isang tiwaling pulis matapos itong masakote sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Biñan, Laguna nitong Huwebes ng gabi. Kinilala ang nasakoteng suspek na si PO2 Albert Austria Ocampo, may asawa at residente ng Calamba City, miyembro ng Biñan City Police Station. Batay sa ulat ni Police Regional Office (PRO) IVA Director P/Chief Supt. Gil Meneses, bandang alas-11:28 ng gabi ng masakote ang suspek sa loob ng mismong himpilan ng pulisya sa pinagtatrabahuhan nito. Sa inisyal na imbestigasyon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga elemento ng Laguna Provincial Intelligence Branch (PIB) at Laguna Special Task Group hinggil sa illegal na pagbebenta ng droga ng suspek. Nasamsam mula sa pag-iingat nito ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu at marked money na nagkakahalaga ng P1,000.00.
- Latest
- Trending