Lider ng NPA timbog
MANILA, Philippines - Matapos ang ilang taong pagtatago sa batas, bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang isang lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) nang masabat sa Brgy. Ortiz, Naguilan, La Union kamakalawa. Batay sa ulat, kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang nasakoteng lider ng NPA na si Gloria Floresca alyas Ka Glorie/Eloy, 48- anyos, ingat yaman ng NPA-Ilocos Cordillera Regional Committee; No. 3 most wanted sa La Union sa kasong rebelyon.
Bandang alas-12:45 ng hapon ng masakote ng awtoridad ang rebelde.
Si Floresca ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Melanio Roxas Jr. ng Regional Trial Court (RTC) Branch 25 ng Tagudin, Ilocos Sur.
Sa kasalukuyan, nakaalerto ang mga awtoridad dahilan sa posibleng pagresbak ng mga kasamahan sa CPP-NPA ni Floresca.
- Latest
- Trending