^

Probinsiya

Trahedya sa karnibal: Octopus rides nakalas: 8 stude sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Walong estudyante ang sugatan matapos tumilapon nang makalas ang kanilang sinasakyang Octopus rides sa loob ng isang maliit na carnival o peryahan, kama­kalawa ng gabi sa Brgy. Ibayo Silangan, bayan ng Naic, dito sa lalawigan.

Pawang mga inoobserbahan sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang walong biktima na sina Zyrinne Merlan, 20; Mary Rose Mariano, 23; Erica Gravador, 21; Joana Pagaduan, 21; Jomer Pagaduan, 25; Michelle Kay Cailao, 16; Abagail Cailao, 21 at Chinne Cabugayan, 22.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Fiesta Carnival Rides kung saan nagkayayaan ang magkaklaseng magkakaibigan na sumakay sa Octopus rides.

Sa una ay maayos pa ang takbo nito suba­lit nang bumilis na ang ikot, dito na biglang kumalas ang main screw na kinakapitan ng octopus ride dahilan para tumilapon  ang mga biktima.

Sugat sa ulo, iba’t ibang bahagi ng katawan at mga bali sa kamay at paa ang tinamo ng mga biktima.

Agad na naitakbo ang mga sugatan sa nasabing pagamutan habang pinag-aaralang kasuhan ng pulisya ang may-ari ng nasabing Carnival Rides.

OCTOPUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with