^

Probinsiya

Balweg pinalabas na sa kulungan

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY  ,Philippines – Nakalabas na sa kaniyang detention cell ang lider ng Ilocos-Cordillera Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na si Jovencio Balweg Sr. matapos idismis ng korte ng Abra ang kasong murder, frustrated murder at rebelyon kaugnay ng pagpatay sa kaniyang sariling kapatid na si dating rebel priest Conrado Balweg noong Disyembre 1999.

Ayon kay Regional Trial Court Branch 2 Judge Corpus Alzate wala silang nakitang matibay na ebidensya laban kay Balweg sa pagpatay sa kaniyang kapatid.

Sinabi ni Alzate na si si Balweg ay lumaya sa detention cell ng Philippine National Police (PNP) dakong alas-12 ng tanghali.

Nang mapatay noong Disyembre 30, 1999, idi­neklara ng Chadli Molintas Command ng CPP-NPA na nilikida nila ang rebel-priest dahilan sa utang nitong dugo sa bayan matapos na talikdan ang komunistang kilusan.

 Magugunita na matapos na tumiwalag sa CPP ay isinama ni Balweg ang iba pang lider ng NPA at binuo ang Cordillera People’s Liberation Army (CPLA).

vuukle comment

BALWEG

CHADLI MOLINTAS COMMAND

CONRADO BALWEG

CORDILLERA PEOPLE

DISYEMBRE

ILOCOS-CORDILLERA COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

JOVENCIO BALWEG SR.

JUDGE CORPUS ALZATE

LIBERATION ARMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with