^

Probinsiya

Abogado inararo ng sariling sasakyan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 62-anyos na abogado matapos masaga­saan ng sariling sasakyan sa Purok 6, Barangay Fili sa bayan ng Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Bayugan City Hospital si Atty. Rolando Carlota ng Barangay 1, Poblacion sa bayan ng Tubya.

Sa ulat ng tagapagsalita ng Caraga PNP na si P/Senior Supt. Martin Gamba, nabatid na ipinarada ni Carlota ang kaniyang kulay berdeng Ford Ranger pickup (KCG 669) sa mataas na bahagi ng kalsada upang inspeksyunin ang gulong.

Gayon pa man, sa pagmamadali ay nakalimutan nitong patayin ang makina ng sasakyan kung saan habang sinisilip ang gulong ay umusad ang sasakyan at makailang beses na nagulungan ang biktima na nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY FILI

BAYUGAN CITY

BAYUGAN CITY HOSPITAL

CARAGA

CARLOTA

FORD RANGER

MARTIN GAMBA

ROLANDO CARLOTA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with